Pulis sa quarantine checkpoint, nahagip ng motorista

By Jan Escosio March 21, 2020 - 01:42 PM

Nasaktan ang isang pulis matapos mahagip ng sasakyan habang nagsasagawa ng quarantine checkpoint sa Espana Boulevard, Sampaloc, Maynila Biyernes ng gabi (March 20).

Kinilala ang biktimang pulis na si Cpl. Chariton Estavillo, imbestigador sa Sampaloc Police Station.

Base sa ulat, kabilang si Estavillo sa mga kumukuha ng temperatura na dumadaan sa naturang lugar bandang 8:00 ng gabi nang mahagip ito ng Toyota Vios (URO 143).

Ang nakabundol na motorista ay nakilala naman na si Philip Anthony Ipapo, 37-anyos ng San Isidro, Pasay City.

Ayon kay Ipapo, patungo siya sa direksyon ng Quiapo at hindi niya napansin si Estavillo.

Isinugod naman ang biktimang pulis sa Chinese General Hospital.

TAGS: Cpl. Chariton Estavillo, quarantine checkpoint, Cpl. Chariton Estavillo, quarantine checkpoint

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.