Higit 160 huli sa Cavite dahil sa paglabag sa curfew at liquor ban
Hindi bababa sa 160 katao ang nahuli ng mga otoridad sa Cavite dahil sa paglabag sa ipinatupad ng curfew at liquor ban.
Ito ay kasunod pa rin ng pagsailalim sa enhanced community quarantine sa Luzon.
Ayon kay Governor Jonvic Remulla, nasa 161 ang kabuuang nahuli dahil sa paglabag.
Nahuli aniya ang mga violator sa mga sumusunod na lugar:
– Silang – 5
– Tagaytay – 8
– Indang – 7
– Kawit – 6
– Imus – 24
– Tanza – 17
– Dasmariñas – 6
– Cavite City – 50
– Trece Martires – 36
– Alfonso – 2
Giit ni Remulla, ang quarantine period ay hindi bakasyon.
Ipinatutupad aniya ang mga panuntunan tulad ng curfew para mahinto ang pagkalat ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.