Pangulong Aquino, ipagdiriwang ang ika-56 kaarawan sa Bahay Pangarap

By Isa Avendaño-Umali February 07, 2016 - 07:48 PM

pnoyIpagdiriwang ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang 56th birthday at huling kaarawan sa Malacanang bukas (February 8), na araw din ng Chinese New Year.

Magho-host si Pnoy ng isang maliit at simpleng birthday gathering sa Bahay Pangarap bukas ng gabi.

Inaasahan na dadalo sa birthday affair ang mga kapamilya ni Presidente Aquino, maging ang malalapit na cabinet members at kaalyado nito sa Liberal Party.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa ngayon ay wala pang official public engagement si Pangulong Aquino sa araw ng kanyang kaarawan.

Wish naman ni Coloma para sa kanyang ‘boss’, good health at maayos na transition mula sa kanyang post-presidency phase.

Si Pangulong Aquino ay nakatakdang bumaba sa pwesto sa June 2016.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.