LOOK: Schedule ng libreng shuttle service ng OVP para sa health workers
Patuloy pa rin ang handoh na libreng shuttle service ng Office of the Vice President (OVP) para sa COVID-19 frontiners.
Sa Twitter, sinabi ni Vice President Leni Robredo na kasunod ng mga natanggap nilang hiling, dinagdagan ang pick-up at drop-off points ng service.
Narito ang schedule ng mga sumusunod na ruta:
Sa Route 1, isinama na ang Chinese General Hospital.
Kasama na rin ang St. Luke’s Medical Center sa route 2:
Sa route 3 naman, dalawang ospital ang naidagdag. Ito ay ang The Medical City at Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Route 4, madadaanan na ang Cardinal Santos Medical Center.
Sa Route 5, magsisilbi na ulit ang SM Fairview bilang starting point. Ang magiging end point naman ay sa Lawton LRT.
Dalawang bus na ang itinalaga ng OVP sa ruta dahil sa dami ng pasahero.
Maihahatid na rin ang health workers sa Makati Medical Center at The Medical City sa route 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.