Antas ng tubig sa Angat Dam, nabawasan sa magdamag

By Angellic Jordan March 21, 2020 - 09:09 AM

Bahagyang nabawasan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division dakong 6:00, Sabado ng umaga (March 21), nasa 199.14 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Mas mababa ito kumpara sa 199.38 meters na lebel nito noong Biyernes (March 20).

Nabawasan din ang tubig sa Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya Dams.

Samantala, tumaas naman nang bahagya ang tubig sa La Mesa, Ambuklao, at Magat Dams.

Nanatili naman sa 101 meters ang tubig sa Ipo Dam.

TAGS: Angat Dam, PAGASA hydrology division, Angat Dam, PAGASA hydrology division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.