110 evacuation centers, handa na para sa mga hinihinalang kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan March 21, 2020 - 09:04 AM

Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na handa na ang 110 evacuation centers para sa mga hinihinalang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, base sa ulat ni Undersecretary Emil Sadain, pinuno ng DPWH Task Force to Facilitate Augmentation of Local and National Health Facilities, maaari nang magamit bilang health facility ang 110 evacuation centers sa bansa.

Kaya aniyang ma-accommodate ng evacuation centers na na-convert bilang health facilities ang nasa 4,620 pasyente sa bansa.

Malayo rin aniya ito sa faults at wala sa no build zones alinsunod sa specifications ng National Building Code of the Philippines.

Sa bahagi ng Caraga Region (Region 13), sinimulan na ang paglalagay ng mga hospital bed sa isang evacuation center sa Barangay Baan Km 3 sa Butuan City sa pangunguna ng city government at Butuan City Medical Center.

Ginagamit na rin ang bagong evacuation center sa Fairview, Quezon City bilang Emergency Operation Center (EOC) ng Disaster Risk Reduction Management Office sa National Capital Region.

Apat namang evacuation centers sa Central Luzon ang ikinonsidera na ng Department of Health (DOH) bilang health facilities para sa mga maysakit. Itinayo ang mga evacuation center sa Barangay San Roque, Mexico at Barangay Santa Catalina, Lubao sa Pampanga; Botolan, Zambales; at Talavera, Nueva Ecija.

Sa Cagayan Valley Region, nagsagawa ng joint inspection ang DPWH Regional Office 2 katuwang ang DOH at LGUs sa evacuation centers sa San Gabriel, Tuguegarao City.

Handa na rin ang evacuation center sa Dalaguete, Cebu para sa maitatalang persons under investigation/monitoring habang ang walong ibang unit sa Central Visayas ay ginagamit na bilang EOC.

Mayroon na rin sa bahagi ng Cagayan de Oro City, Northern Mindanao at Tabuk, Kalinga sa Cordillera Administrative Region.

Ang apat na evacuation center sa Cordillera ay nagsisilbi nang food hubs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, iniulat din ni Sasain na 15 iba pang unit ang kayang ma-accomodate ang 630 pasyente na maidadagdag sa 110 evacuation centers sa bansa.

TAGS: COVID-19, DPWH, evacuation centers, Sec. Mark Villar, COVID-19, DPWH, evacuation centers, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.