Kahirapan hindi naging hadlang sa LET 2nd placer na si Iah Seraspi

Pinatunayan ng second placer sa nationwide Licensure Examination for Teachers o LET na si Iah Seraspi na hindi hadlang ang labis na karukhaan para mapagtagumpayan ang mga hamon sa buhay.

Kuwento ni Iah na tubong Romblon, noong mga panahon na nag-aaral pa siya sa elementarya ay bibihira ang pagkakataon na pumapasok siya sa eskuwela na may disenteng pagkain.

Kadalasin kasi ay kanin lamang na binudburan ng asin ang kanyang baon at nang tumungtong sa Highschool ay sitsirya naman ang inuulam niya sa kanin para lamang magkalasa.

Masuwerte na aniya kung may instant noodles siyang ulam, at iyon ay pinagsasaluhan pa nilang magkakapatid.

Dahil dito, namangha ang mga nakabasa sa talambuhay ni Iah nang ito’y kanyang ilathala sa social media, kung saan ang karamihan ay hindi makapaniwala kung paano niya nakuha ang pangalawang pinakamataas na marka sa naturang pagsusulit.

Nasa mahigit walumput’ isang libo at apatnaraang kumuha ng eksaminasyon ay nakamit ni Seraspi ang second place sa score na 90 percent, kung saan ilang puntos na agwat lamang ang pagitan sa nanguna sa pagsusulit mula sa Davao City na may markang 90.20 percent.

Ayon kay Iah, tinanggap niya ang kanyang sitwasyon na kapag patuloy lamang siya sa pagrereklamo ay walang magbabago sa kanyang buhay at mananatiling silang mahirap sa halip ay inisip niya ang karukhaan bilang hamon sa sarili.

Si Iah ang pinakamatandang anak ng mangingisda at housewife mula sa maliit na bayan ng Looc, kung saan ang kanyang ama ay kumikita lamang ng bente hanggang singkuwenta pesos sa pangingisda. /

 

Read more...