Higit sa 700, arestado sa paglabag sa gun ban

By Isa Avendaño-Umali February 07, 2016 - 06:01 PM

gun ban 02Mahigit pitong daang katao na ang naaresto ng Philippine National Police o PNP dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections o Comelec, kaugnay sa national at local elections sa Mayo.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, mula nang mag umpisa ang gun ban noong January 10, 2016, nasa 746 na indibidwal na ang nahuli dahil sa pagdala ng armas.

711 aniya mula sa bilang ay mga sibilyan; lima (5) ay police officers; labing isa (11) ay government officials; labing dalawa (12) ay security guards; lima (5) ay mga empleyado ng isang law enforcement agency; at dalawa (2) ay kapwa miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit.

Dagdag ni Mayor, nakakumpiska na ang PNP ng 592 na mga firearm; 4,609 na deadly weapons; 25 na mga granada; pitong iba’t ibang uri ng pampabomba; 21 firearm replicas; 212 bladed o pointed weapons at 4,344 ammunitions.

Ang Comelec gun ban ay ipatutupad ng PNP at iba pang law enforcement agencies hanggang June 8.

 

TAGS: #VotePH2016, Comelec Gun Ban, #VotePH2016, Comelec Gun Ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.