Pagsasara ng lahat ng korte sa bansa iniutos ni CJ Peralta
Ipinag-utos ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang pagsasara ng lahat ng mga korte sa bansa.
Sa Administrative Circular ni Peralta dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa ay kailangan nang isara ang lahat ng korte.
Inabisuhan ang lahat ng mayroong transaksyon sa mga korte sa bansa na tumawag sa hotlines ng korteng kanilang kailangang puntahan, mag-email, o mag-message sa pamamagitan ng Facebook accounts.
Epektibo ito sa March 23, 2020 araw ng Lunes.
Pinayuhan ni Peralta ang lahat ng litigants, mga abogado, piskal at ang publiko na mag-abiso muna sa korte para matukoy kung ang kailangan nilang transaction ay maituturing bang “urgent”.
Lahat ng tawag at mensahe ay maaring gawin sa pagitan ng alas 9:30 ng umaga at alas 2:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
Inabisuhan ang lahat ng hukom at kanilang skeletal staff na manatilli lamang sa kanilang mga tahanan.
Pupunta lamang sila sa korte kapag may natukoy na “urgent matter” na kailangang ihain o aktuhan ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.