Suplay ng pagkain sa bansa sapat hanggang matapos ang enhanced community quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 05:30 PM

Tiniyak ng San Miguel Corporation (SMC) na tuluy-tuloy ang produksyon nila ng pagkain sa kanilang mga pasilidad.

Ito ay para masigurong may sapat na pagkaing mabibili sa merkado ang publiko habang umiiral ang enhanced community lockdown.

Kasabay nito siniguro din ng SMC na tinitiyak nilang ligtas ang kanilang mga nagtatrabahong empleyado.

Ang SMC na nasa likod ng San Miguel Food and Beverages ang gumagawa ng produkto ng Purefoods, Magnolia, Monterey at San Mig Coffee.

Ayon sa SMC, kayang makapagproduce sa kanilang pasilidad ng 1.19 million kilos ng fresh puoltry, beef at pork products; 524,000 kilos ng canned meat, nuggets at hotdogs; 2.11 million kilos ng harina, biscuits, pandesal at nutribun.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, food supply, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, SMC, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, food supply, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, SMC, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.