COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 230; bilang ng nasawi nadagdagan pa ng 1

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 04:39 PM

Nakapagtala pa ng labingtatlong panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang Department of Health (DOH).

Dahil dito ayon sa DOH, umakyat na sa 230 ang COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa datos ng DOH mayroon ding isa pang nasawi sa sakit.

Ito ay si PH 124 na 64 anyos na lalaki mula sa Quezon City.

Siya ay mayroong travel history sa Singapore.

Dahil sa isa pang nasawi, 18 na ngayon ang bilang ng nasawi sa Pilipinas dahil sa naturang sakit.

Nananatili naman sa 8 ang bilang ng mga naka-recover sa COVID-19.

TAGS: covid 19 death toll, COVID-19, COVID-19 cases, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid 19 death toll, COVID-19, COVID-19 cases, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.