outbrain

P5M na donasyon para sa COVID frontliners nakalap ng Globe mula sa Globe Rewards

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 04:32 PM

Umabot na sa P5 milyon ang halaga ng donasyon na nakakalap ng Globe mula sa Globe Rewards ng kanilang customers.

Dahil dito pinalawig pa ng Globe ang validity ng Globe Rewards points na naipon noong 2019.

Mula sa hanggang March 31 ay extended ang validity ng Globe Rewards hanggang June 30, 2020.

Sa pamamagitan nito, mas mahaba ang pagkakataon ng customers para i-donate ang kanilang points.

Ang mga nalilikom na donasyon ay ibibigay sa PGH Medical Foundation Inc. at gagamitin pambili ng test kits, alcohol, at kumpletong sets ng personal protective equipment (PPEs) gaya ng surgical masks, face shields, at surgical gowns.

TAGS: BUsiness, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Globe, Globe Rewards, Inquirer News, Luzon, PGH Medical Foundation Inc., PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Globe, Globe Rewards, Inquirer News, Luzon, PGH Medical Foundation Inc., PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.