Isa pang Pinoy sa Hong Kong naka-recover sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 04:11 PM

Isang Filipino national pa sa Hong Kong ang naka-recover sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong ang pasyente ay nakalabas na ng ospital ngayong araw.

Dahil dito, isang Pinoy na lamang ang nananatili sa ospital sa Hong Kong at ginagamot sa COVID-19.

Patuloy na minomonitor ng konsulada ang kaniyang kalagayan.

Muling pinaalalahanan ng konsulada ang mga Pinoy sa Hong Kong na maging maingat para maiwasang mahawaan ng sakit.

TAGS: COVID, COVID-19, covid-19 in ph, Hong Kong, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID, COVID-19, covid-19 in ph, Hong Kong, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.