outbrain

Phoenix Petroleum may malakihang rollback sa presyo ng produktong petrolyo

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 03:44 PM

Ang Phoenix Petroleum muli ang unang kumpanya na magpapatupad ng rollback ngayong linggo.

Sa abiso ng Phoenix Petroleum Philippines, mayroon silang rollback na P2 sa kada litro ng Diesel at P3 sa kada litro ng gasolina.

Epektibo ang rollback alas 6:00 ng umaga bukas March 21 (Sabado).

Ang ibang kumpanya ay inaasahang mag-aanunsyo pa lang ng halaga ng kanilang ipatutupad na rollback ngayong weekend.

At magiging epektibo ang kanilang rollback sa Martes pa ng umaga.

Samantala, mayroon ding parehong halaga ng rollback sa produktong petrolyo ang kumpanyang CleanFuel epektibo naman sa March 22, alas 4:01 ng hapon.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, oil price rollback, PH news, Philippine breaking news, Phoenix Petroleum Philippines, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, diesel, gasoline, Inquirer News, oil price rollback, PH news, Philippine breaking news, Phoenix Petroleum Philippines, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.