DOLE-NCR, nilinaw ang panuntunan nito sa emergency employment program para sa mga e-trike drivers sa Maynila

By Ricky Brozas March 20, 2020 - 03:18 PM

Nilinaw ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagkakaloob nito ng emergency employment sa mga electric -trike drivers sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay DOLE-NCR regional Director Sarah Buena Mirasol, bagaman ang mga mabibiyayaan ng emergency employment program ay ang mga e-trike drivers sa Maynila, gagawin ang mga trabaho ng mga ito sa kani-kanilang mga barangay para mag-disinfect ng kanilang mga lugar.

Taliwas ito sa unang mga lumabas na balita na babayaran ng kagawaran ng ang 189 na mga e-trike drivers sa paghahatid ng mga frontline workers sa kanilang trabaho.

Paliwanag ng DOLE-NCR, ang emergency employment ay nasa ilalim ng Barangay Ko, Bahay Ko (BKBK) work scheme o Tulong Pangkabuhayan ng DOLE.

Layon ng naturang programa na matulungan ang mga informal sector workers na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Tiniyak ng DOLE-NCR na nakahanda na ang pondo para sa naturang emergency employment program.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, dole-ncr, e trike, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, manila, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, dole-ncr, e trike, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, manila, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.