outbrain

74-anyos na lola, pinagsasaksak sa Parañaque

By Jan Escosio March 20, 2020 - 01:57 PM

Karumaldumal na kamatayan ang nangyari sa isang matandang babae na namumuhay mag-isa sa Parañaque City.

Sa paunang ulat ng PNP–SOCO, nagtamo ng 30 saksak sa kanyang katawan ang 74-anyos na biyuda na si Sonia Moral at ito ay pinatay sa pagitan ng alas-3:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi ng Huwebes (March 19).

Nabatid na mag-isang naninirahan ang biktima sa kanyang bahay sa Marcelo Green Vill., at ito ay tinitingnan-tingnan na lang ng isang kapitbahay.

Nagpasaklolo na ang kapitbahay sa pulisya nang hindi sinasagot ng biktima ang mga tawag sa kanya.

Ayon sa mga kaanak, walang mamahaling gamit sa bahay si Moral at napansin na nagkalat ang mga pekeng alahas sa bahay kayat kutob ng mga pulis pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Hinihinala ng pulisya na minanmanan ng salarin ang biktima at nang makakuha nang pagkakataon ay pinasok na ito sa kanyang bahay.

 

TAGS: Inquirer News, Murder, Paranaque, PH news, Philippine breaking news, police report, Tagalog breaking news, tagalog news website, Inquirer News, Murder, Paranaque, PH news, Philippine breaking news, police report, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.