Patay sa 6.4 magnitude na lindol sa Taiwan, nasa 23 na

By Isa Avendaño-Umali February 07, 2016 - 05:39 PM

Taiwan lindolPumalo na sa dalawampu’t tatlo (ang bilang ng patay sa napakalakas na 6.4 magnitude na lindol na tumama sa Southern Taiwan.

Ayon sa Tainan fire agency, mula sa gumuhong Wei Guan building ay naka-retrieve ang mga otoridad ng dalawampu’t isang bangkay, kabilang na ang anim na mga bata.

Aabot naman sa 120 ang sinasabing trapped pa rin sa building, kaya naman doble kayod ang mga rescuer.

Mahigit animnaraang rescuers, kasama na ang mga bumbero at volunteers, ang parte ng rescue operations, bukod pa sa 105 fire engines at 44 na ambulansya na gamit ng mga ito.

Sa huling record, aabot na sa limang daan ang sugatan habang walong gusali na nag-collapse at limang ang nasira sa historic city ng Tainan.

Nag-alok na ng tulong ang Chinese mainland, kahit nasa gitna ito ng selebrasyon sa Spring Festival at Lunar New Year.

 

TAGS: Taiwan quake, Taiwan quake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.