200 pasahero stranded sa Clark International Airport
Mayroong 200 pasahero na karamihan ay Overseas Filipino Workers (OFWs) ang stranded sa Clark International Airport (CRK).
Karamihan sa mga OFW ay pawang kababalik lamang at dapat ay pauwi ng Visayas region.
Umiiral ang lockdown sa Luzon kaya hindi makauwi sa kani-kanilang hometown ang mga pasaherong stranded.
Tiniyak naman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), na nabigyan ng accommodations at pagkain ang mga stranded na pasahero.
Simula noong Huwebes ng gabi ay sarado na ang Clark Airport sa domestic flights pero tuloy ang inbound at outbound international flights.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.