Magnitude 4.5 na lindol yumanig sa Sarangani, Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs naitala ng pagyanig sa 229 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, ala-1:02 hapon ng Biyernes (March 20).

May lalim na 30 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...