Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa Kuwait
Nakapagtala na ng unang Filipino sa Kuwait na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Philippine Embassy in Kuwait, isang Pinay domestic worker ang unang Filipino na nakumpirmang tinamaan ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Ang pasyente ay nagkaroon ng close contact sa isang indibidwal na bumiyahe sa United Kingdom.
Sa ngayon stable umano ang kondisyon ng Pinay at binabantayan ng embahada at ng POLO-OWWA ang kaniyang sitwasyon.
Kasabay nito, nanawagan ang embahada sa lahat ng Filipino sa Kuwait na manatili lamang sa mga tahanan at sundin ang utos ng Kuwait authorities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.