Global death toll sa COVID-19 mahigit 10,000

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 10:45 AM

Umabot na sa mahigit 10,000 ang bilang ng nasawi sa ibat ibang mga bansa at teritoryo sa buong mundo dahil sa sakit.

Sa nasabing bilang, 3,405 ang nasawi sa Italy at 3,248 sa China.

Sa Iran, nakapagtala ng 149 na panibagong bilang ng nasawi sa nakalipas na magdamag, dahil ditto umabot na sa 1,284 ang kanilang death toll as of 11AM ng Biyernes.

Ang Spain nakapagtala ng 193 na bagong bilang ng nasawi sa magdamag dahilan para umabot n asa 831 ang kanilang death toll.

Sa France, 108 ang naitalang bagong mga nasawi, sila ay mayroon nang 372 na deaths.

Ang iba pang mga bansa na mayroong mataas na bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 ay ang mga sumusunod:

USA – 218 (68 new)
UK – 144 (40 new)
S. Korea – 94 (10 new)
Netherlands – 76 (18 new)
Germany – 44 (16 new)
Switzerland – 43 (10 new)
Japan – 33 (4 new)
Indonesia – 25 (6 new)
Belgium – 21 (7 new)
Philippines – 17 (3 new)
Canada – 12 (3 new)
Sweden – 11 (1 new)

Sa 179 na mga bansa at teritoryo na apektado ng sakit ay umabot na sa 245,600 ang naitalang kaso ng COVID-19.

TAGS: covid death toll, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, global death toll, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid death toll, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, global death toll, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.