Kalakalan sa Philippine Stock Exchange bahagyang gumanda
Bahagyang bumawi ng kalakalan sa Philippine Stock Exchange sa pagbubukas ng merkado ngayong araw.
Sa ikatlong araw ng enhanced community quarantine, nagbukas ang merkado ng mas mataas na 2.99% o 138.47 points na may value na 4, 761.89 kumpara sa pagsasara kahapon.
Ayon kay First Grade Finance managing director Astro Del Castillo, hindi pa inaasahang magtutuloy-tuloy ang pagganda ng trading sa stock market.
Paliwanag nito, masyadong bagsak ang trading noong mga nakalipas na araw kaya marapat lamang na bumawi ito.
Sabi ni Del Castillo, “Masyado lang bagsak ang mercado nung nakaraan na araw at okay lang yan na mag bounce back sya. Sobrang mura na kasi yung presyo ng mga stocks.”
Hindi pa anya natatapos ang krisis sa COVID-19 kaya para sa kanila pansamantala lamang ang pag-angat ng trading sa PSE.
Asahan din sabi ni Del Castillo na hindi pa magiging matatag ang stock market dahil sa mga nangyayari.
“Pero dahil ‘di pa tapos ang crisis, tingin namin temporary lang ito. Expect market to remain volatile given the uncertainties,” saad ni del Castillo.
Sa pagsasara ng kalakalan kahapon bumagsak ito ng 13.3% o 4,623.42 na pinakamababa simula noong January 26, 2012.
Dahil dito nalugi ang merkado ng P1.16 trillio.
EXCERPT:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.