4 na lumabag sa curfew arestado matapos mahulihan ng shabu

By Jan Escosio March 20, 2020 - 10:00 AM

Apat katao, kabilang ang isang babae, ang inaresto dahil sa paglabag sa ipinatutupad na curfew sa Cubao, Quezon City.

Ngunit ang simpleng paglabag ay bumigat nang makumpiskahan sila ng hinihinalang shabu ng mga sumitang pulis.

Kinilala ang apat na sina Ronald Valencia, 36, ng San Juan City; Marvin Santiago, 29; Daniel Pamplona, 30, kapwa ng Pasig City; at Grace Pineda, 26, ng Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat, nagpapatrulya ang mga pulis alas-9:45 Huwebes ng gabi sa Illinois street nang mapansin nila ang apat na nakatambay at nagkukuwentuhan.

Sinita ang apat dahil sa paglabag sa curfew hours at hiningian sila ng ID’s.

Ngunit sa paghugot ng isa sa apat ng kanyang ID sa bulsa ay sumabit ang isang maliit na plastic sachet kayat kinapkapan na silang lahat at nakuha pa ang 11 plastic sachets na may laman hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P78,000.

Kinumpiska rin ang dalawang motorsiklo mula sa mga suspek.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, curfew hours, curfew violators, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, curfew hours, curfew violators, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.