Meralco hindi muna magsasagawa ng meter reading; babayaran ng customers ibabase muna sa konsumo sa nagdaang tatlong buwan

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 09:38 AM

Dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine, itinigil muna ng Meralco ang pagpapadala ng meter readers sa bahay-bahay.

Hindi na rin muna mahdedeliver ng electric bills.

Sa abiso ng Meralco, ang bill ng mga customer ang meter reading ay naka-schedule sa pagitan ng March 17 hanggang April 14, 2020, ay ibabatay muna sa average ng konsumo noong nakaraang 3 buwan.

Anuman ang kulang o sobra sa aktwal na konsumo ay i-aadjust na lamang sa susunod na billing cycle.
Sinabi ng Meralco na base ito sa rules ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Una nang inihayag ng Meralco na magbibigay sila ng isang buwan na palugit sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, Meralco, PH news, Philippine breaking news, power supply, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, Meralco, PH news, Philippine breaking news, power supply, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.