Payo ni Sen. Go sa mga nagpapakalat ng fake news: Quarantine your mouth

By Jan Escosio March 20, 2020 - 09:15 AM

Nakiusap si Senator Christopher ‘Bong’ Go sa publiko na tigilan ang pagpapakalat ng fake news ngayon nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng COVID-19.

“In this time of crisis, if you cannot help, just quarantine your mouth!” ani Go.

Paliwanag ng senador ang anuman maling impormasyon na ipapakalat ay makakadagdag pa sa nararanasang paghihirap at pangamba ng mamamayan.

Pinuna ni Go na may mga nagpapakalat ng maling impormasyon para pagmukhain na walang ginagawa ang gobyerno at nagiging mitsa para mag-panic ang tao.

“Gamitin n’yo ang oras ninyo para tumulong at magmalasakit. Huwag niyo sayangin sa pagkalat ng kasinungalingan o sa panloloko ng mga tao. Marami pong naghihirap ngayon. Marami ring pagod sa paghahanap ng solusyon sa krisis. Huwag kayo gumawa ng problema at dumagdag sa pasakit ng bayan,” pakiusap pa ni Go.

Bilin din nito, huwag unahin ang pag-post sa social media ng mga tanong hinggil sa pagkilos at pagbibigay ayuda ng gobyerno kundi direktang tumawag sa mga itinalagang hotlines.

 

 

 

 

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, fake news, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, fake news, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, senator bong go, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.