LOOK: Alert level ng mga aktibong bulkan sa bansa

Matapos ibaba ng Phivolcs sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal ay tanging ang Maon Volcano na lamang ang nasa Alert Level 2.

Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs ang Bulkang Mayon ay nasa Alert Level 2 simula pa noong March 29, 2018 matapos makitaan ng madalas na aktibidad.

Sa magdamag ay walang naitalang volcanic earthquake sa Mt. Mayon pero noong March 18, umabot sa 274 tonnes/day ang emission nito ng sulfur dioxide.

Simula naman kahapon, March 19 ay nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Sa magdamag, may naitalang 11 volcanic earthquake sa Bulkang Taal.

Nagkaroon din ito ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes na umabot sa 50 meters ang taas.

Samantala, nasa Alert Level din ang Mt. Kanlaon simula noong March 11.

Alert Level 0 naman ang umiiral sa Mt. Bulusan.

Read more...