outbrain

2 manlalaro ng Lakers at 1 mula Boston Celtics nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo March 20, 2020 - 08:19 AM SHARE(S):

Isang manlalaro ng Boston Celtics ang nagpositibo sa COVID-19.

Isinailalim sa COVID-19 test ang hindi pinangalanang manlalaro dahil sa exposure nito sa isang positive case.

Walang sintomas na nakita sa naturang manlalaro ng Celtics pero nakasailalim na ito ngayon sa isolation.

Mayroon pang ibang isinailalim sa test at hinihintay pa na lumabas ang resulta.

Tiniyak ng koponan na pangunahing prayoridad nila ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang manlalaro .

Samantala, sa hiwaay na pahayag, sinabi ng Los Angeles Lakers na dalawang manlalaro nila nag nagpositibo din sa sakit.

Sila ay kapwa na-explose sa apat na manlalaro ng Brooklyn Nets na naunang nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanilang laban noong March 10.

Kapwa asymptomatic din ang dalawang manlalaro at ngayon ay naka-quarantine na.

 

 

TAGS: Boston Celtics, COVID-19, Inquirer News, NBA, PH news, Philippine breaking news, positive for covid, Tagalog breaking news, tagalog news website, Boston Celtics, COVID-19, Inquirer News, NBA, PH news, Philippine breaking news, positive for covid, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.