Travel ban sa lahat ng dayuhan na papasok sa bansa ipinatupad na ng BI

Ipinatutupad na ng Bureau of Immigration (BI) ang travel ban sa lahat ng dayuhan na papasok sa bansa.

Inabisuhan na ng BI ang lahat ng immigration supervisors at personnel hinggil sa Foreign Service Circular ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa inilabas na guidelines ng BI, suspendido ang sumusunod na visa categories:

– Visa Waiver Agreements
– Ang mga sakop ng EO 408, s.1960
– Holders ng Hong Kong-SAR, Macau-SAR, Macau-Portuguese and British National Overseas Passports

Exempted naman ang mga sumusunod:
– dayuhang asawa at kanilang anak na bumibiyahe kasama ang Filipino national
– Ang mga dayuhang asawa at anak na sakop ng EO 408
– Visa na inisyu sa Foreign Government and International Organization officials

Read more...