Death toll ng China sa COVID-19 nalampasan na ng Italy

Nahigitan na ng Italy ang death toll ng China dahil sa COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ang Italya ng 427 na nasawi sa nakalipas na magdamag dahilan para umakyat na sa 3,405 ang death toll nito.

Mas marami na ito kaysa sa 3,245 na death toll sa China.

Nakapagtala naman ng 5,322 na panibagong kaso ng COVID-19 sa Italy, dahilan para umakyat na sa 41,035 ang bilang ng tinamaan ng sakit.

Sa naturang bilang, 4,440 ang naka-recover na at mahigit 2,000 pa ang seryoso ang kondisyon.

Read more...