Mariing pinabulaanan ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, chief ng Philippine National Police (PNP) Directorial Staff, na mayroon looting incident na nangyari sa isang grocery sa Las Piñas City.
Ang mensaheng ipinadala ni Gen. Eleazar sa Radyo Inquirer, sinabi nito na walang looting incident sa nasabing lugar.
Kumalat kasi sa social media ang isang blog na nagsasabi na plano umanong pasukin ng mga pedicab driver ang isang grocery store na Puregold.
Ito ay matapos mawalan ng kabuhayan ang mga pedicab driver dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.
MOST READ
LATEST STORIES