Special session para sa food subsidy fund, gusto ni Sen. Sotto

By Jan Escosio March 19, 2020 - 05:20 PM

Itinutulak ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagdaraos ng special session ng Kongreso para maaprubahan ang supplemental budget para sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Ayon kay Sotto, naiisip niya ang pagpasa ng food subsidy budget para sa pagbibigay tulong sa mga daily wage earner na nawalan ng pinagkakakitaan.

Paglilinaw nito na ang kanilang ipapasa ay hiwalay pa sa P3.1 bilyong supplemental budget na inihihirit ng Department of Health (DOH).

Aniya, ang isusulong niya ay P300 kada araw na food subsidy sa lahat ng tatlong milyong mahihirap na pamilya sa Metro Manila at aabutin ito ng P27 bilyon.

Ayon kay Sotto, kapag naaprubahan ang kanyang panukala, tiyak na may 15 milyong residente ng Metro Manila ang hindi magugutom kung ipagpapalagay na may limang miyembro ang bawat pamilya.

TAGS: COVID-19, daily wage earner, food subsidy budget, Vicente Sotto III, COVID-19, daily wage earner, food subsidy budget, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.