Kalakalan sa Philippine Stock Exchange patuloy sa pagbagsak
Bagsak ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange sa ikalawang-araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon.
Nagsara ang trading, araw ng Huwebes (March 19), na bagsak ng 13.34% o 4, 623.43 na bahagyang mas mataas sa intra day low na 4,039.
Sa pagbubukas pa lamang ng kalakalan ay bagsak na ito ng 12.4% o 4,673.58 dahilan sa circuit breaker kaya 15-minutong inihinto ang trading.
Ito na ang pinakamababa sa loob ng nakalipas na walong taon.
Sabi ni First Grade Finance managing director Astro del Castillo, ang outbreak ng sakit ang patuloy na nagdadala ng takot sa mga investor kaya walang katiyakan ang ekonomiya ng bansa.
Hindi pa aniya kontrolado ang outbreak at patuloy ang pagtaas ng taon dinadapuan ng sakit kaya magtutuluy-tuloy ang pagbagal ng kalakalan.
“Malalim ang bagsak ng stock market natin today. The virus outbreak continue to bring fear in the market and uncertainty in the economy. Habang walang malinaw na controlled na yung outbreak and meron nang gamot, naniniwala kami na tuloy ang mahina na kundisyon ng kalusugan ng ating merkado at ng ekonomiya, ” pahayag ni Del Castillo.
Sinabi naman House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na isang economic analyst, ang pagbagsak ng trading ay dahil sa takot ng mga investor at ang walang katiyakang katatagan ng merkado.
Ito aniya ay sapagkat nagsisimula pa lamang ang pandemic period sa Pilipinas.
Sabi ni Salceda, “Indubitably an overshoot of unjustifiable pessimism, more of market’s visceral fears rather than a discounting of the Philippine future and fundamentals. People are trying to bake the uncertainties into the stock prices, especially since we are still at the early stages of this pandemic period.”
Paliwanag nito, bilang isang analyst, hindi na bago sa kanya ang nangyayari sa PSE, naranasan na anya ito sa mga nakalipas na sakit tulad ng SARS, MERS-COV at AH1N1.
“What we know from the history of pandemics is that this will all come to pass, SARS in 9 months, MERSCOV in 4 months and AH1N1 in 14 months. The recent falls were due to animosity bw big business and President but not over policy direction,” dagdag pa ng mambabatas.
Maganda rin aniyang oportunidad ito upang mamili ng mga stocks dahil magiging doble ito o triple kapag nalagpasan ang kinatatakutang sakit pero hindi ito kaagad mangyayari sapagkat kailangan pang mag-recover ng nawala sa merkado.
Dagdag nito, “As an analyst most of my life, I have seen many like this and I can tell you that ALL of them without exception were opportunities to double or triple your money. From a peak of 9,400 to an intraday low of 4,062, you can invest and reap high returns since how low can it go but you know how it can get.”
Dahil aniya sa mga nangyayari ngayon ay mas nanaisin ng publiko na huwag mag-invest kaya mas maganda ang mamimili ngayon ng stocks pero hindi ang pagbebenta nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.