Tugon ito ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya sa pagtanggi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na hindi suklian ang idineklarang unilateral ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte habang abala ang bansa sa pagtugon ng COVID-19.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Malaya na isaalang-alang sana ng rebeldeng grupo ang national interest kaysa sa hangaring pabagsakin lamang ang gobyerno.
Tiniyak naman ni Malaya na sakaling gumawa ng pag-atake ang rebeldeng grupo, nakahanda naman ang tropa ng pamahalaan.
Una rito, sinabi ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na walang nakikitang dahilan ang kanilang hanay para tapatan ang ceasefire ni Pangulong Duterte.