15 bagong kaso ng COVID-19 naitala; Kabuuang bilang ng infected sa bansa, umakyat na sa 217
Umakyat na sa 217 ang bilang ng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 na naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 15 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH), araw ng Huwebes.
Kaugnay nito, inanunsyo ng DOH na may isang pasyente pa ang gumaling mula sa virus.
Ito ay ang patient number 20, na isang 48-anyos na lalaking Filipino mula sa Cavite.
Ang pasyente na ito ay may travel history sa Japan at na-admit sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Na-discharge ito sa ospital matapos suriin ng dalawang beses at parehong magnegatibo sa COVID-19.
Dahil diyan, umakyat na ngayon sa walo ang gumaling sa bansa mula sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.