DILG, may apela sa publiko ukol sa pagtawag sa COVID-19 hotline

By Angellic Jordan March 19, 2020 - 03:09 PM

Umapela ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na tumawag lamang sa COVID-19 hotlines kung mayroong emergency ukol sa nakakahawang sakit.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na manatilihing bukas ang linya para sa mga higit na nangangailangan ng tulong mula sa gobyerno.

Bago tumawag, siguruhin aniyang tunay at importante ang idudulog sa pamamagitan ng COVID-19 hotline.

Katuwang naman aniya sa pagtanggap ng mga tawag ang ilang tauhan mula sa 911 national emergency hotline.

Narito ang inilabas na COVID-19 emergency hotline ng Department of Health (DOH):
02-894-COVID (02-894-26843) at 1555.

TAGS: COVID-19 hotline, DILG, Sec. Eduardo Año, COVID-19 hotline, DILG, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.