Listahan ng contact persons sa pagkuha ng financial assistance sa tricycle drivers sa Makati, inilabas na

By Angellic Jordan March 19, 2020 - 03:09 PM

Inilabas na ang listahan ng mga pangalan ng contact person na maaaring tawagan para makuha ang inihandang financial assistance sa tricycle drivers sa Makati City.

Ayon sa pamahalaang lokal ng Makati, P2,000 ang ibibigay na financial assistance sa bawat tricycle driver sa lungsod.

Maaari anilang tawagan ang contact persons mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Maaari rin anilang mag-apply online gamit ang link na: https://bit.ly/MakatiFinancialAssistance

Narito naman ang paalala ng Makati LGU sa mga tricycle drive na kukuha nito:
– Siguraduhing tama ang impormasyon sa form, lalo na ang address.
– Ang mga miyembro ng TODA na mayroon nang Makatizen card ay hindi na kailangang mag-apply. Ibibigay ang tulong pinansyal nang direkta sa kanilang mga account.
– Kung kayo ay hindi miyembro ng TODA, punan pa rin ang form, ngunit huwag i-tsek ang “TODA MEMBER” sa unang pahina.

Para naman sa sinumang nangangailangan ng tulong medikal, maaring tumawag sa emergency hotline 168, COVID-19 emergency hotline (02) 8942 6843, o gamitin ang SOS ng Makatizen App.

TAGS: COVID-19, enhanced community quarantine, financial assistance for tricycle drivers, Makati LGU, COVID-19, enhanced community quarantine, financial assistance for tricycle drivers, Makati LGU

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.