Unang kaso ng COVID-19 naitala sa Valenzuela City
Nakapagtala na ng unang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 ang Valenzuela City.
Ayon kay Public information officer Lauro Zyan Caiña, naka-home quarantine ang pasyente na nasa 34 taong gulang na babae.
Sakali namang madagdagan pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ay maaring magpatupad na ng total lockdown ang buong Valenzuela City.
Sa ngayon ay kasalukuyan namang nagpupulong ang mga opisyales ng Valenzuela City sa mga ayudang ibibigay sa mga pinakamahirap na pamilya na maapektuhan ng enhanced community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.