189 e-trikes, ipakakalat para sa frontliners sa Maynila

Magpapakalat ang 189 e-trikes sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, ito ay para sa mga nagsisilbing frontliner laban sa Coronavirus Disease (COVID-19).

“Programa po ito ng national government, through Department of Labor and Employment,” ayon pa sa alkalde.

Magiging hatid-sundo aniya ang mga doktor, nurse at iba pang healthcare workers sa mga pampublikong ospital sa Maynila.

Read more...