Alkalde ng Bongao, Tawi-Tawi, tinambangan sa Zamboanga

Que

Sugatan ang isang alkalde matapos ma-ambush sa Zamboanga City kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na sa Jasper Que, mayor ng Bongao, Tawi-Tawi.

Ayon sa Zamboanga Police, galing umano sa Zamboanga airport si Que sakay ng isang SUV.

Hinarang si Que ng isang lalaking nakamotorsiklo at pinagbabaril ang sasakyan.

Nagtamo ng tama ng bala sa braso, binti at puwetan si Que, na kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Zamboanga.

Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa ambush.

Pero nabatid na si Que ay isang miyembro ng Liberal Pary, subalit hindi naman reelectionist.

Read more...