Pangulong Duterte hindi sasailalim sa self-quarantine
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa self-quarantine para sa COVID-19.
Ito ay kahit na makailang beses nang nakahalubilo ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque na ngayon ay naka self-quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Senador Bong Go, trabaho pa rin ang inaatupag ng Pangulo.
Pero mahigpit naman aniya na minomonitor ng mga doktor ang lagay ng kalusugan ng pangulo.
Ayon kay Go, hindi rin siya sasailalim sa self-quarantine kahit na expose kay Duque.
Ayon sa senador, patuloy siyang magsisilbi sa bayan at handang mamatay na nagsisilbi sa mga Filipino.
Samantala, hindi rin sasailalim sa self-quarantine si Presidential Spokesman Salvador Panelo kahit na nakahalubilo si Duque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.