Senior citizens dapat prayoridad sa sa COVID-19 ayon kay Sen. Go
Umapela si Senator Christopher Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na unahin sa pagbibigay tulong ang mga senior citizens.
Katuwiran nito, mas delikado sa COVID-19 ang mga nakakatanda kaya’t dapat sila ang unang mabigyan ng nararapat na tulong at proteksyon.
Dagdag pa ni Go dapat din maging prayoridad sa pagbibigay tulong ang mga may pre-existing medical conditions, ang mga may diabetes, hypertension, sakit sa baga, sakit sa puso at kanser.
Sinabi din nito na unahin na rin ang mga solo parent, indigent indigenous peole, public transport drivers at ang mga pinagkakakitaan ay pansamantalang nahinto o nagsara.
Diin ng senador, kung kinakailangan ay magtulong ang DSWD at LGUs para sa ‘door to door delivery’ ng mga tulong sa nabanggit na mga prayoridad sa pagbubigay ayuda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.