Global death toll sa COVID-19 halos 9,000 na
Nadagdagan pa ng 984 ang global death toll sa COVID-19.
Dahil dito umakyat na sa 8,962 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang bansa at mga teritoryo sa mundo.
Ang Italy ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng nasawi sa nakalipas na magdamag na umabot sa 475.
Mahigit isang daan naman ang nasawi sa Iran at Spain sa magdamag.
Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang mga bansa at teritoryo:
China – 3,245 (8 new)
Italy – 2,978 (475 new)
Iran – 1,135 (147 new)
Spain – 638 (105 new)
Germany – 28 (2 new)
USA – 154 (45 new)
France – 264 (89 new)
S. Korea – 91 (10 new)
Switzerland – 33 (6 new)
UK – 104 (33 new)
Netherlands – 58 (15 new)
Austria – 4
Norway – 6 (3 new)
Belgium – 14 (4 new)
Sweden – 10 (2 new)
Denmark – 4
Japan – 29
Malaysia – 2
Canada – 9 (1 new)
Diamond Princess – 7
Portugal – 2 (1 new)
Australia – 6 (1 new)
Brazil – 4 (3 new)
Greece – 5
Ireland – 2
Pakistan – 2 new
Poland – 5
Slovenia – 1
Bahrain – 1
Indonesia – 19 (12 new)
Thailand – 1
Egypt – 6
Luxembourg – 2 (1 new)
Philippines – 17 (3 new)
Turkey – 2 (1 new)
Hong Kong – 4
India – 3
Ecuador – 3 (1 new)
Iraq – 12 (1 new)
San Marino – 14 (3 new)
Lebanon – 4
Taiwan – 1
Argentina – 2
Bulgaria – 2
Panama – 1
Algeria – 7 (2 new)
Costa Rica – 1 new
Albania – 2 (1 new)
Hungary – 1
Morocco – 2
Moldova – 1 new
Dominican Republic – 2 (1 new)
Azerbaijan – 1
Martinique – 1
Burkina Faso – 1 new
Ukraine – 2
Jamaica – 1 new
Bangladesh – 1 new
Cuba – 1 new
Guatemala – 1
Guyana – 1
Sudan – 1
Cayman Islands – 1
Umabot naman na sa 219,101 ang bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19 sa buong mundo.
Pinakamarami pa ring kaso sa China na umabot sa 80,928 habang pumapangalawa ang Italy na mayroong 35,713 na kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.