Trading sa Philippine Stock Market inihinto

15-minutong inihinto ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange ngayong umaga ng Huwebes, March 19.

Ito ang unang circuit breaker ngayong araw.

Ito ay matapos muling bumagsak ang trading ikalawang araw ng ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa pagbubukas ng kalakalan ngayong umaga ay bagsak agad ang main index ng 12.4% o 4,673.58.

Ito na ang pinakamababa sa loob ng nakalipas na walong taon.

As of 10:38 ng umaga ay bagsak pa rin ang kalakalan kung saan ang main index umabot sa 16.72% o 4,443.13.

 

 

Read more...