outbrain

Dalawa arestado sa pagnanakaw ng siomai, energy drinks at alak sa resto bar sa QC

By Jan Escosio March 19, 2020 - 10:40 AM

Sinamantala ng dalawang lalaki ang kawalan ng tao sa paligid kaya’t naisipan nilang pasukin ang isang resto bar sa Quezon City Huwebes (March 19) ng madaling araw.

Ngunit minalas sina Jefferson Britanico, 23 at Mark Joseph Requillas, 19 na kapwa residente ng Barangay Loyola Heights sa lungsod dahil natiyempuhan sila ng mga nagpapatrulyang pulis sa Esteban Abada Street dakong alas 5:00 ng umaga.

Ayon kay Police Master Sgt. Glenn Mark Gumabay, ang imbestigador sa kaso, nasa bubungan pa ng isang coffee shop ang dalawang suspek nang makita sila ng mga pulis na may bitbit na sako.

Nabawi sa dalawa ang kinulimbat nila mula sa Lan Kwai Restobar na 22 lata ng energy drinks, walong pakete ng siomai, isang bote ng JW Blue Label, isang amplifier at isang surround sound, gayundin ang anim na bote ng panghalo sa mga inumin.

Naghain na ng kanyang reklamo si Marco Baluyot, may ari ng establismento, laban sa dalawang kawatan.

 

 

TAGS: Inquirer News, metro, PH news, Philippine breaking news, police report, quezon city, resto bar, tagalog news website, Inquirer News, metro, PH news, Philippine breaking news, police report, quezon city, resto bar, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.