Malakanyang tutol sa patuloy na pagbiyahe ng tricycle habang umiiral ang enhanced community quarantine
Hindi pabor ang Palasyo ng Malakanyang sa paggamit ng tricycle habang ipinatutuoad ang enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, masikip kasi ang tricycle kung kaya hindi masusunod ang social distancing.
Pakiusap ni Nograles sa local government units, mag-isip ng alternatibong transportasyon para may masakyan ang mga health workers at iba pang frontliners na kinakailangan na lumasok sa trabaho.
Maari naman aniyang gamitin ang jeep bilang alternatibo sa tricycle.
Una rito, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hindi niya ipatitigil ang biyahe ng tricycle sa kanyang lungsod para makapasok sa trabaho ang mga nasa frontliner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.