Nasawi sa 6.4 magnitude na lindol sa Taiwan, umakyat na sa labingwalo
Umakyat na sa labingwalo ang kabuuang bilang ng mga nasawi habang mahigit isandaan at tatlumpu ang nawawala sa mapinsalang 6.4 magnitude na lindol na tumama sa Southern Taiwan.
Ayon kay Tainan Mayor Lai Ching-te natagpuan sa pamamagitan ng life detectors ang halos dalawampu’t siyam na katao na natabunan ng gumuhong 17-story high-rise building.
Nabatid na buhay pa ang mga ito ngunit nananatili pang nasa loob ng gumuhong gusali.
Batay sa ulat ng Taiwan Central News Agency, aabot sa mahigit apat na raan katao ang nasugatan sa lindol na nagsimulang tumama kahapon, bandang alas kwatro ng madaling araw.
Sa kabila nito, ayon sa operator ng high speed rail ng Taiwan, babalik na sa normal ang kanilang operasyon mamayang tanghali.
Dahil sa lakas ng lindol, napinsala ang mga power line na malapit sa Tainan Station dahilan para supendihin ang mga biyahe ng tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.