Base sa ‘aide memoire’ na ipinadala ni Salceda sa liderato ng Kamara, iginiit nito na ang poorest 20 percent ng populasyon ay hindi makakapag-survive sa enhanced community quarantine lalo pa apektado ngayon ang kanilang trabaho.
Nais ng Bicol solon na na ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Luzon ay mabigyan ng 13-month 4Ps grant, na ibibigay ngayong quarantine period, gayundin ang mga benepisyaro ng Unconditional Cash Transfer sa ilalim ng TRAIN Law.
Base anya sa Family Income and Expenditure Survey, ang lowest fifth ng populasyon ay mayroon lamang ipon na sapat sa loob ng 20 araw o mas maiksi pa.
Ayon kay Salceda, na pinaka-unang nagmungkahing magpatupad ng lockdown para mapabagal ang paglobo ng COVID-19 cases, kalakip dapat ng direktibang higpitan ang galaw ng publiko sa gitna ng kinakaharap na health crisis ay karampatang tulong para sila ay mabuhay.
Tama din lamang anya ang pasya ng pamahalaan na magpatupad ng enhanced community quarantine dahil kung wala ito at magkaroon ng mass transmission ay tinatayang aabot sa 4.13 percent ang mawawala sa gross domestic product ng bansa bukod pa sa ilang libong buhay na mawawala.