Mga sasakyang may dalang agriculture products papayagang bumiyahe sa CALABARZON kahit walang “Food Pass”

Pinapayagan nang bumiyahe sa CALABARZON ang lahat ng sasakyan na may sakay ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng gulay, karne, bigas, isda, pakain sa hayop at iba pa kahit wala silang maipakitang “Food Pass” o “Food Lane Sticker.”

Base ito sa abiso ng Deparment of Agriculture sa Region 4-A.

Pinakikiusapan ng DA ang lahat ng lokal na pamahalaan na abisuhan ang kanilang mga itinalagang tao sa checkpoints hinggil sa abiso dito.

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 7 ng DA para sa mas mabilis at maayos na pagdadala ng mga pagkain sa Luzon.

Kung mayroong nakamando sa checkpoints na lalabag sa memorandum ay maaaring agad ipaalam sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Read more...