Mayor Magalong binalaan ang mga opisyal ng barangay na nangulekta ng pera sa mga residente kapalit ng travel clearance

By Dona Dominguez-Cargullo March 19, 2020 - 08:28 AM

FB Photo

Binalaan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga opisyal ng barangay na nangulekta ng pera sa kanilang constituents kapalit ang travel clearance.

Ayon kay Magalong walang anumang legal basis ang paniningil ng bayad ng mga barangay kapalit ng pag-iisyu ng travel clearance upang sila ay pansamantalang makabiyahe sa kasagsagan ng pag-iral ng enhanced community quarantine.

Inatasan ni Magalong ang mga opisyal ng barangay na isauli sa mga residente ang kinulektang pera.

Kung hindi susunod sa utos ng alkalde ay sasampahan sila ng kasong administratibo.

“The Mayor orders barangays to return the money collected from residents who applied for travel clearances. There is no legal basis for such fee. He warns that he will take administrative action against those who will defy his order,” ayon sa post ng Baguio City Public Information Office.

TAGS: baguio city, Benjamin Magalong, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, baguio city, Benjamin Magalong, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.