Bulkang Taal ibinaba na sa Alert Level 1 ng Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo March 19, 2020 - 08:21 AM

Ibinaba na sa Alert Level 1 ang status ng Bulkang Taal mula sa Alert Level 2.

Ang Alert Level 1 ay nangangahulugang “abnormal” pa rin ang sitwasyon sa bulkan.

Ayon sa Phivolcs sa nakalipas na apat na linggo matapos mula nang ibaba sa Alert Level 2 ang bulkan ay bumaba ang bilang ng mga naitalang volcanic earthquakes, humupa din ang pamamaga ng lupa sa kabuuang Taal Caldera at Taal Volcano Island (TVI) at humina din ang singaw mula sa Main Crater at Daang Kastila fissure.

Ayon sa Phivolcs, sa ilalim ng Alert Level 1 ay nangangahulugang nasa alangan pa ring kalagayan ang bulkan at hindi nangangahulugang huminto na o nawala na ang banta ng pagputok nito.

Kung sakaling magkaroon ng pagtaas o kakaibang pagbabago sa monitoring parameters na maghuhudyat ng muling pagkabalisa ng bulkan, ang alerto ay maaaring muling itaas sa Alert Level 2.

Dahil dito, ang mga taong naninirahan sa mga lugar na may mataas na panganib (high risk) sa base surge na nagsibalik matapos ang pagbaba sa Alert Level 2 ay kailangang maging mapag-masid at laging handa sa mabilis at maayos na paglikas.

Kung sakaling patuloy na bumaba ang mga monitoring parameters ang alerto ay maaaring ibaba sa Alert Level 0.

Ang Phivolcs ay nagpapaalala sa publiko na sa Alert Level 1, maaaring maganap pa rin ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng nakalalasong gas.

TAGS: alert level 1, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, taal, tagalog news website, volcano, alert level 1, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, taal, tagalog news website, volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.